Friday, May 20, 2011

Love Will Keep Us TOGETHER 22



Pag dating na pagdating ni Sarah sa kwarto ay naisipan niyang mag nap muna. Nakatulog siya ng almost two hours, inabot ang remote ng tv. Sakto at tv patrol na pala, inaantok pa pero nagulat sa headline ng balita, “JOHNLLOYD Cruz, inaayos ang annulment  paper sa kasal nila Sarah para mapakasalan na ang kanyang gf na si Nicole.”

“Ha? May girlfriend siya ngayon? Bakit hindi niya sinabi sakin?” hindi niya namalayan na may tumulo na pala mga luha. Hindi niya expected na mangyayari toh, naiinis siya kay Johnlloyd papakasal naman pala after ng annulment namin tapus ito inuwi pa kami ng mga bata sa bahay na toh. Hindi pala para sakin tong dream house na toh, inis na inis si Sarah kahit kakagising niya lang ay naisipan na niyang itulog nalang ang lahat, sabi nga ng iba ang simpliest escape sa stress ay ang pagtulog.

Pero bagu natulog ay pinanuod muna niya ang news, nagpapresscon pala ito si Nicole at pinakita ang diamond ring na bigay ng bf nito at two weeks na. Si Nicole lang ang nandun pero bagu matapus ang presscon dumating si Lloydie at ang sinabi lang ito ay ‘if right time comes, everything's gonna fall right into place’ tapus ay nagpasalamat at kinuha si Nicole umalis na.

Nagulat si Sarah ng biglang gumalaw ang bed niya, inopen niya ang eyes niya at nakita ang lalaking asar na asar siyang makita, kasama pa nito ang dalawang babies niya. “Mommy, daddy’s back common lets go down and eat. Daddy said, he’s going to tell us something.” Gising sakanya ni Miguel, humiga ito sa tabi niya at hinug siya. “Baby, how can mommy wake up if you’re like that? Mommy will sleep more and will wait for her prince charming to come and kiss me to wake up.” Sabay close ng eyes niya, nagulat siya ng may humalik sakanya sa lips, napamulat siya at tiningnan ito ang lapad ng ngiti nito “O, ayan mommy kiss kana ng prince charming mo.”sigaw ni Arah kinikilig ang dalawang bata.

“O anu princess? Stay ka pa ba sa bed gusto mo pa ng another kiss? From prince charming.” Akmang lalapit na si Lloydie ng itulak ni Sarah ang mukha nito. “Anu kaba, may girlfriend ka baka magalit yun.” Nagulat naman si Lloydie sa naging reaction ni Sarah. Parang nagets naman ni Sarah ang pagkagulat ni Lloydie, “Napanuod ko kanina sa TV patrol, congrats pala atleast after nito happy ending parin ang ending mo.” Nakatitig lang si Lloydie sakanya, “O anu mga bata lets go down stair gutom na nga rin si mommy.” Tumayo na si Sarah at inakay ang dalawang bata palabas ng room, si Lloydie ay nakatingin lang sakanila tahimik na sinundan ang mga ito sa baba.

Hindi tulad kahapon na ang dinner nila ay puro asaran nilang dalawa, ngayon ang dalawang bata lang ang nagsasalita. “Daddy? Anu nga po pala yung sasabihin mo sakin.” Tanung ni Miguel sa daddy niya, muntik ng makalimutan ni Lloydie ang tungkol dito. “Ah yun ba, mamamasyal tayo tomorrow.” “Yehey so excited na kami dad, Saan po pala tayo pupunta?” tanung nila. “Ah magbeach tayo” “Really? Swimming?” “Yes, bakit ayaw niyo?” “Gusto dad, but we don’t know how to swim.” Nagtaka si Lloydie sa naging sagot ng dalawang anak, paanu nangyari yun e swimmer naman itong mommy nila. “Kasi dad, pag magswimming kami at turuan kami ni mommy laging napo postponed kasi need ni mommy mag work.” Naguilty naman si Lloydie sa narinig, napatingin siya kay Sarah nakatungo lang ito. “Don’t worry babies, you understand mom naman diba?” dun napatingin si Sarah sa sinabi ni Lloydie “Huwag na kayong magtampo, dad will be here turuan ko kayo at huwag niyong isipin na walang time mommy niyo sa inyo, because I know she’s just doing things for your own good.” Napatango naman ang dalawang bata sa sinabi ni Lloydie, nakatingin parin si Sarah sakanya at tiningnan naman niya ito ngumiti siya, ngumiti din ito at nagpasalamat sakanya.

Pag katapus kumain, “babies, dahil umalis si daddy kanina. Let’s go sa entertainment room, movie time.” Yaya ni Lloydie. “Sure dad, lets watch twilight favourite namin nila mommy yun. Because like mommy always told us, iba magmahal ang mga vampair.” Natawa si Lloydie sa naging kwento ng anak niya, tumingin si Lloydie kay Sarah na naglalakad na nakatungo. Hinawakan niya ang kamay nito at tiningnan, “iba ba talaga magmahal ang vampair?” natatawa siya. “Ay ewan ko sayo.” Tulak sakanya niy Sarah at nauna sa entertainment room. “Masaya toh.” Bulong niya sa sarili niya at sumunod na sa mga ito, manunuod talaga sila ng twilight.

No comments:

Post a Comment