Friday, May 20, 2011

Love Will Keep Us TOGETHER 4

  • Shooting



  • Napatingin si Sarah sa taong nakabungo niya,”Ay, Sorry hindi ko ho sinasad…ya” ng bigla niyang makilala ang lalake na matagal niyang pinagtataguan. Ngumiti eto sa kanya at napasabi ng hi!. Hindi niya alam kung anung isasagot sa sinabi nito, ang nasabi niya lang ay “hello, kamusta kana” habang nakatitig sa mukha nito, hay ang gwapo pa din niya kahit after 5 years walang pinagbagu wika niya sa kanyang sarili.

    “ ah, eh ok lang naman. Masaya kahit iniwan mo ko.” At yun ang naging ugat para mainis si Sarah sa taong nakabunguan niya at naalala niya na ang lahat ng mga sakit na naramdaman niya dahil sa lalakeng eto katulad ng lumayo siya at nagibang bansa pa makalimutan ang araw na yun, ang araw na sumira sa lahat, na gumising sakanya sa mahimbing niyang pagtulog na akala niya happy ever after na, yun pala bangongot tama bangongot para sakanya.

    Nagulat siya sa kanyang naging sagot, ngunit gusto man niyang bawiin ang nasabi ay hindi na niya nagawa dahil bigla nalang tumakbo si Sarah palayo kanya. “bakit mo ba kasi ko iniwan?, kala ko ba ok na tayo.” Nasabi nalang niya sa sarili.

    “badtrip siya, badtrip siya, akala mo kung sinong makapagsabi na masaya siya, buti pa siya masaya ako sa 5 years na umalis ako siya pa rin ang nasa isip ko kahit sinaktan niya ko. Bakit pa kasi ko umaasa na magiging maayos pag nagkita kami ulet.” Sigaw ni Sarah sakanyang sarili habang umiiyak.

    Ang nasabi na lang niya na tama nga! dapat ko na siyang kausapin, o isend ko nalang sa bahay niya ang annulment papers naming dalawa para makapagstart na ko sa buhay ko na wala na talaga siyang part pa. dagdag niya.

    Habang naglalakad si Lloydie papunta sa office ay hindi mawala sa isip niya ang pagkikita nila ni Sarah. “ay ang tanga mo naman tatang! Pagkakataon mo na makausap siya at matanung ang mga dapat mong matanung bakit pinakawalan mo pa minsan lang” gulong gulo ang isip ni Jlc ngayon. “masakit ata ang nasabi ko sakanya, sana makahingi ako ng sorry at masabi na hindi ako Ok simula ng iniwan mo ko, hindi ako makatulog kasi wala ka sa tabi ko, nangayayat ako kasi wala nagaasikaso sa mga kinakain ko at higit sa lahat walang nagtatanggal ng pagud ko pag kagaling ko sa trabaho kahit kiss at hug lang wala.” Yan ang gusto niyang sabihin ngunit hindi na niya nagawa dahil sa katangahang nagawa niya. “hay naku lloydie hanggang ngayon ba nawawala ka parin sa sarili pag siya na ang kausap mo.” Dagdag niya. Naalala niya ang mga panahon na kung saan ay pag siya ang kanyang kausap e nawawala bigla ang mga words, parang hindi niya mabuo kahit isang sentence lang.

    katulad nung nasa shooting sila ng AVSL.

    “Lloydie! Gising kanaba? Sorry ha naistorbo kita dito sa tent mo sila mommy kasi umalis wala ko kasama sabi ni direk icheck daw kita kung my ginagawa ka, e nagpapahinga ka pala.” Wika nito.

    Pupungaspungas na bumangon sa reclining chair niya, “ ok lang, minsan lang naman tayong mag kamoment ng ganito e.” ngiti niya dito “so any topic? Para naman my mapagusapan tayo? Open up ba. Para close na talaga tayo.” Napangiti si Sarah at napasabi na “Sir, Gaano ka close?” sabay tawa ng malakas. Nahihiya siya pero nakisama na din sa pagtawa nito. “eto naman niloloko eh, seryoso na anytopic please?”  sabi niya.

    Nagiisip ng biglang mapangiti “Lloydie? Naniniwala kaba sa first love never dies?” tanung ni Sarah. “ha ako? E yung iba oo pero ako kasi TRUE LOVE will never die. Napatitig sa dalaga at nasabi sana ikaw na yun bulong niya.” “ha? Anu hindi ko narinig yung ako ang anu?” sagot ni sarah. “ah eh, may sinabi ba ko wala kaya sabay bato ng throw pillow at takbo papalabas ng tent. “hay grabe that’s close” sabay hawak sakanyang dibdib.

    Hay naku johnlloyd tama na nga yan, kunin mo na yung dapat kanina mo pa kinukuha sa office huwag puro baldik moments ang iniisip. Nasabi nalang niya sakanyang sarili. Natawa sa word na baldik hay naku tama na muna. Sana bukas maayos ko pa ang lahat, makapunta nga sa bahay nila bahala na dapat na ko makilala ng mga anak ko at makapagusap kaming dalawa. Dagdag niya.

    No comments:

    Post a Comment