- Picture
Kung hindi lang may kumatok para may mag vital signs sa mga bata for sure nakagawa na ulet sila ng kambal. Nahihiya si Sarah sa naabutan ng nurse, dahil nakapatong si Lloydie sakanya ng pumasuk ito. Nagtatago sa braso ni Lloydie, si Lloydie naman ay natatawa na “Miss nurse pasensya na ha, sabik kasi tong asawa ko sakin eh.” “Naku sir, wala po yun baldik po ako kaya ipagpatuloy niyo lang yan para may makwento ko sa pinoyexchange.” Nagkatinginan si Lloydie at Sarah, “Really? Ashlloyd baldik ka?” “Opo.”
Natawa si Sarah “hala nandyan pa rin pala sila.” “Oo naman dumadalaw sakin yun pag may shooting ako minsan.” Sagot ni Lloydie, “Aba opo naman super buhay na buhay pa.. basta yung IN TIME nandyan lang yan tsaka pwede po ba isang pic niyo lang para naman magwala ang mga online ngayon.” “Sige ba, sabihin mo lang kung ready kana ha.” Nilabas nito ang cellphone niya, “O k po 1, 2, 3, 4” “Huh? Bakit 1234? Diba dapat hanggang 3 lang?” “Naku para naman hindi ka baldik Lloydie.” Comment ni Sarah, tumawa silang tatlo.
Nagpaalam na nga ito dahil duty pa siya pero ipopost na niya sa thread ito. Naisipan ni Lloydie at Sarah na sumilip sa thread, “Aba thread 300 na? ang bilis ha.” Tiningnan nila ang post natatawa sila sa naging reaction ng mga tao sa picture nila. Kasi ba naman ang picture ay nagkiss sila sa lips sino bang hindi mababaliw dun. Tiningnan ni Lloydie si Sarah at kiniss ulet sa lips smack nga lang, “Saan na nga ba tayo nung pumasuk yung nurse?” “Dito o.” siyang lapit ni sarah. Nakatulog na silang dalawa sa couch ng magkayakap.
Nagising si Sarah nandun na sila manang rose at mommy niya, kaso wala si Lloydie dito, lumapit siya sa kambal at niyakap ang mga toh “Happy birthday babies, grabe totoo pala na pag malapit na ang birthday malapit sa accident.” “Mom, saan po si Lloydie?” “Ah anak nagpaalam may lakad daw kasi siya ngayon.” Biglang kinabahan si Sarah naalala niya na ngayon ang kasal ni Lloydie at Nicole, sinubukan niyang tawagan ito pero out of reach naiinis na siya tama bang iwan siya matapus ang mga nangyari kagabe. Hindi siya mapakali kanina pa siya silip ng silip sa windows or sa hall way ng hospital.
Naisipan niyang pumunta muna nag cafeteria bumili ng makakain, ng pabalik na siya ng room ng mga bata nakita niya si Lloydie na naglalakad nakangiti ito, nilapitan niya toh. “O, kamusta kana? Bakit hindi mo ko ginising ng umalis ka.” Ngumiti naman si Lloydie at hinawakan ang mukha niya, hinawakan naman niya ang kamay nito pero nagulat siya na may suot toh na singsing, naiiyak siya kinasal na ito.
No comments:
Post a Comment