Friday, May 20, 2011

Love Will Keep Us TOGETHER 10

  • Signature



  • Bilis bilis siyang lumabas ng gate nila Sarah na ang laki ng mga ngiti. “Lord, kung anu man ang nagawa ko alam ko po my purpose po. Lahat kakalimutan ko na iniwan niya ko, magsisimula kami ng maayos kasama ng mga bata.” At naisipan na itext si Sarah “namiss kita, see you later” message sent.

    Si Sarah nakatingin parin sa may gate hawak ang mga labi, hay anu ba tong nararamdaman ko nagulat ng biglang tumunog ang kanayang celphone binasa niya ang text at muling napasmile. Pero naisip niya ang nakaraan, nandito sila para ayusin ang dapat dati pa niyang inayos, nireplyan niya ito ng “magusap tayo tungkol sa mga bata bukas.” At umakyat na sa kwarto ng mga bata at natulog sa tabi ng mga toh.

    Dali daling binasa naman ni Lloydie ang reply ng asawa, nawala ang ngiti sa mga labi niya at kinabahan “ahh bahala na bukas, maayos din ang lahat.” Wika niya sa sarili, bumalik ang ngiti ng maalala ang nangyari ng araw nay un “nangyari nadin ang matagal ko ng pinapanalangin na makasama ko ulet sila, thank you Lord.” At siya’y natulog na.

    Kinabukasan ay pumunta si Lloydie sa bahay ng mga Geronimo para dalawin ang mga bata at kausapin na din ang asawa.

    “Daddy!!!!” sigaw ng kambal na sinalubong naman niya ng mga yakap. “Daddy bakit hindi ka natulog dito? Hinahanap ka namin kay mommy sabi niya umuwi ka daw kasi my aasikasuhin ka.” Tumingala naman si Lloydie para tingnan ang mommy ng mga bata at ngumiti, kesa ngiti ang sagot ni Sarah tumango lang ito. Aba wala ata sa mood tong babaeng toh ah bulong ni Lloydie sa sarili.

    “Mga anak, dun muna kayo sa play room maguusap lang kami ng daddy niyo.” Sumunod naman ang mga anak dito. “Sa garden tayo mag usap, sumunod ka sakin.” At sinunod naman ni Lloydie eto ng makalabas na sa garden hindi nila alam kung saan pwepwesto, sabay silang napatingin sa upuan kung saan sila nakaupo kagabi. “ah eh dun nalang tayo sa entertainment room wag nalang dito.” Natawa naman si Lloydie sa reaction ni Sarah. “Huwag na dun nalang tayo umupo oh, mas maganda pa.” lumakad na ito papunta sa upuan wala naman nagawa si Sarah kung hindi sumunod dito.

    “So anu bang paguusapan natin?” tanung nito kay Sarah. Titig nito sa asawa, naiilang si Sarah sa mga oras nay un. “Una tungkol sa mga bata” sagot niya dito, “magstay kami ng almost isang month pa ditto, pwede kang dumalaw araw2 depende kung nandito din ako sa bahay, hindi ko ipagdadamot ang mga bata pero sana huwag mo silang kunin sakin.” Nagulat si John Lloyd sa narinig mula dito pero nanatiling tahimik lang at nakatingin sa mukha ng asawa.

    “At ang huli ay yung tungkol satin, ready na ang annulment paper pirma nalang ang need tapus malaya kana, eto ang papers at ballpen.” Lalo siyang nagulat at napakunot ang noo, anu annulment paper?pirma?ha? anu mga narinig ko?tanung niya sa kanyang sarili. Sanay siyang pumirma sa mga autograph para sa mga taga hangga siya, natutuwa pa nga siya pag may humihingi ng signature niya, pero bakit ngayon parang hirap siyang pumirma sa mga papel na toh, nakatitig lang siya dito.

    Si Sarah ay naiinis na “Mr. Cruz?? John Lloyd? Eto yung mga papers o pirmahan mo na para matapus na usapan natin.” Bigkas niya ditto.

    Hindi alam ni John Lloyd ang sasabihin, “ha? Annualment papers? Bakit?” sagot niya kay Sarah, “anung bakit para maging malaya na tayo? Diba yan ang gusto mo?” tumingin si John Lloyd sa ibang direction at nakita ang mga bata,

    “Miguel at Arah come here.” Tumakbo naman ang mga bata sa ama nila, “yes daddy?” Tanung ng mga ito. “wanna go out? Let’s go shopping tayo” ngiti niya sa mga ito. Si Sarah naman ay naiinis na tama bang dedmahin yung sinasabi niya. “hoy! Saan kayo pupunta hindi pa tayo tapus magusap ah!”

     “Sarah, leave it hindi ka ba sasama samin? Aalis kami ng mga bata mag mamall kami.”sagot ni Lloydie at binuhat ang mga anak. “kung ayaw mo, sige kami nalang tatlo.” “hindi sasama ko alam na iwan ko yang mga bata sayo, manang rose! Magbihis ka sasama ka samin magmamall tayo.” Tawag ni Sarah sa yaya ng mga bata. “ah! Manang huwag ka na pong sumama kami nalang po ang bahala sa mga bata.”tugon naman ni Lloydie at tiningnan si Sarah, tayo nalang kaya nanatin toh. Wala naman nagawa si Sarah at nagbihis na.

    “Mommy, aalis lang po kami ng mga bata magmamall lang po.” Sabay halik ni Sarah sa ina. “Mommy, ako nap o bahala sa magiina ko salamat pos a lahat.” Wika naman ni Lloydie kay mommy divine. “sabi mo yan ha.” Ngiti naman ng ina.

    Tiningnan niya sa mata ang ina, “mom anung pinagsasabi mo dyan sa mall lang po kami.” Natawa naman si mommy d sa naging reaction ng anak. “Sige magingat at enjoy niyo na 3weeks nalang naman kayo dito eh.”

    No comments:

    Post a Comment