Saturday, May 21, 2011

Love Will Keep Us TOGETHER 24

  • King Size


Part 24

“Galing ng story mom and dad, nakakaiyak naman.” Wika ni Arah.
“But what happen next? What supposed to be the part 5?” tanung ni Miguel,
Natahimik silang dalawa, kasi dapat ang part five eh after manganak ni Sarah pero hindi na nga natuloy toh dahil umalis si Sarah at biglang nawala.

Tumingin si Lloydie kay Sarah, “Alam niyo babies, ganto ang part five nagkababaies sila Miggy at laida parang ganto iba nga lang ako si Johnlloyd at si mommy niyo bilang Sarah at may anak silang kambal na makukulit.” Sabay tawa. “haha daddy talaga oh, antok na kami dad.”sagot ni Arah

“May naisip ako.” Sagot ni Miguel, “anu yun babies?”tanung ni Lloydie “Lets sleep sa isang room dad, tayo nila mommy sa gitna kami ni Arah, happily ever after isn’t?”suggestion ni Miguel.

Si Sarah ay napatingin sa anak, anu ba tong mga anak ko sinumpong nanaman ako nanaman ang victim dito. Tiningnan nito si Lloydie, aba mukhang ok lang sakanya ang naisip ng mga bata ah.

“Welcome sa room ko babies” “wow dad ang laki ng space, pwedeng magtakbuhan dito, at ang bed ang laki” umakyat ang dalawang bata at talon ng talon.

Tiningnan niya si Sarah, “Anu masasabi mo?” sabay kindat. Natawa naman si Sarah “Ay naku niloloko mo talaga ko kanina kapa, diba ikakasal kana? Bakit nagiging ganyan kapa?” biglang sagot ni Sarah. Naging seryoso naman ang mukha ni Lloydie tumingin ito sa mga anak, “O babies change na kayo sleep na tayo late na din.”

After magbihis ay humiga na si Lloydie nakatingin sa kisame, pumasuk si Sarah akala niya ay nasa loob na ang mga bata, hindi niya alam kung saan siya pupunta kaya umupo nalang siya sa edge ng bed, gumalaw naman ang bed kaya napatingin si Lloydie kay sarah, “Ang tagal ko hinintay toh, na makasama ko kayo.” Tamihik lang si Sarah, “Kung anu man ang mga napapanuod mo sa mga news, sakin ka magtiwala.” Hinawakan ni Lloydie ang kamay ni Sarah at tinapat ito sa dibdib niya then hinalikan ang mga kamay, napatingin si Sarah ng may maramdaman siyang basa umiiyak na pala ito. Hindi niya alam na naiiyak na din pala siya sa mga nangyayari. “Sarah bakit ganito nangyari satin? anu nangyari satin” sabay yakap sakanya. Yun din ang tanung na matagal na niyang iniisip. Umiyak nalang sila at humiga, hindi na nila namalayan na nakatulog na pala sila na ganun ang pwesto.

Pakiramdam niya ay may nakayakap sakanya, ang sarap ng feeling na ang tagal na niyang hindi naramadaman yun. Minulat niya ang mga mata niya at nakita na si Sarah pala ay nakayakap sakanya, “bebe, gising na.” tawag niya dito. Humigpit ang yakap nito “Bebe, huwag kang magulo matulog pa tayo.” Napangiti naman si JohnLloyd sa naging sagot ni Sarah. “Ikaw din baka masundan natin yung kambal pag hindi ka pa tumayo.” Yun ang naging dahilan kaya nagising si Sarah, ang laki ng mata nito halatang nagulat at magkayakap sila, biglang nagblush ito naalala ata ang nangyari kagabi at tinulak siya palayo sabay tayo. “ah eh nasan yung dalawang bata akala ko ba e dito sila matutulog.”tanung niya pagiiba ng topic, “Hindi ko rin alam nakatulog nalang bigla ako eh.” Sagot ni Sarah.

“Mommy and Daddy.” Pupungaspungas pasuk ng dalawang bata, nagkatingan silang dalawa “Yes baby!” tawag ni Sarah “Nakatulog na po kami ni Arah kaya hindi na kami nakapunta dito kagabe.” Sagot ni Miguel. “Ok lang baby, did you slept well?” “yes mommy, may dream nga ko na forever na  tayong nandito kasama si daddy.” “baby?” “mommy, why do you need to marry that man?” nagulat si Lloydie, ha anung marriage? Ako ang ikakasal ah bakit biglang pati din pala siya, nainis si Lloydie. “Baby, you know naman na yun ang kabayaran sa tulong niya satin diba” Nagtataka parin hindi na alam ni Lloydie ang naririnig kanino siya magpapakasal? Bakit? Tumingin si Sarah kay Lloydie “I’ll explain to you later.” “You better.” Galit na tumayo si Lloydie sa kama.

No comments:

Post a Comment