Friday, May 20, 2011

Love Will Keep Us TOGETHER 23

  • Movie Date




“O bakit nakaupo na kayo dyan sa couch?” tanung ni Lloydie sa kanilang tatlo, “Dad, nakalimutan mo na? diba manunuod tayo?” sagot ni Arah. Natawa naman si Lloydie, “Hindi dyan dito tayo sa mini theatre, pasuk tayo dun sa secret room.” Paliwanag ni Lloydie. “Wow dad, may min theatre tong bahay, so excited.” Bilis-bilis na sunod ng dalawang anak, si Sarah naman ay naexcite din may tinatago pa pala tong palasyong ito.

Pag pasuk sa loob my maliit na tunnel hanggang makapasuk sa loob, nagulat siya ng makita ang mga nakalagay dito, kasya ang 50 na tao sa loob at sa gilid ang mga nakalagay ay ang mga awards nila ni Lloydie. Nilapitan niya ang mga cabinet, hindi niya akalain na nandun ang mga ito, kaya pala hindi niya nakita sa bahay nila iaask dapat niya si mommy d about dun kung san nakatago pero nakakalimutan niya lang. tiningnan niya ng maigi, pinagmamasdan lang siya ni Lloydie “Do you like it? Hinihingi ko kay mommy lahat yan, separate yung music at pagiging actress mo. Every month may dalawang araw ako nagsstay dito, para linisin yan mga yan naisip ko na mapagmamalaki natin yang mga trophy na yan sa mga magiging kaapoapohan natin.” Patuloy na pagkwekwento ni Lloydie, natigilan naman si Sarah ng mapunta sa gitna, nandun ang wedding rings nila at wedding certificate protected to ng glass. Napatingin siya kay Lloydie, umiwas naman ng tingin si Lloydie sakanya hindi niya alam kung anung mararamdaman.

“Mommy, daddy wow ang daming trophies ah.” Remarks ni Miguel. “Yes baby, eto yan ang trophy namin ni mommy niyo nung tinatawag kaming Box office king at queen, dahil sa mga movies na toh.” Turo niya sa mga cds. “Wow nagkawork pala kayo ni mommy dati dad, pwede favor?” tanung ni Arah, “What is it?”tanung ni Lloydie, nagpapasalamat siya at umeksena ang dalawang bata napakaawkward kasi ng situation kanina.

“Instead of twilight, lets watch this dad we want to know how great you and mom in terms of acting.” Excited na sagot ni Arah. “Ask mom if she want it.” “Mommy is it oright? Let’s watch this, napatingin si Sarah sa anak nakita niya na hawak nito ang AVSL dvd, naku mukhang walang katapusang reminisce ang mangyayari.

Naupo na silang tatlo kaso si Arah ay nagiwan ng space, mukhang magtatabi pa kami itong mga batang toh, “Baby you don’t want to seat next to mom?”tanung niya, “Mommy, daddy will seat there.” Smile ng anak sakanya, mukhang wala na nga siyang magagawa. Namasalang na ni Lloydie ang dvd ay umupo na din siya, patay malisya sa seating arrangement nila, niyakap si arah na nasa right side nito, siya naman na nasa left side niya si Miguel at niyakap din niya. Maya2 ay dumating na ang mga kasambahay nila, may dalang mga pagkain at nilagay sa harap nila.

Lumabas palang ang Logo ng Star cinema at Viva films, ang bigat na ng pakiramdam niya, eto pinapanuod nila ang film na nagbagu ng lahat. Tiningnan niya si Lloydie, nagulat ito dahil nakatingin pala ito sakanya, napatungo siya nahihiya siya sa nangyari pero bakit niya ko tinitingnan. Tanung niya sa kanyang sarili, ang dalawang bata naman ay enjoy na enjoy sa pinapanuod.

Nagkasabay silang kumuha ng popcorn, nakadikit ang mga kamay, natawa sila kasi naalala nila ang first movie date nilang dalawa. “Naalala mo? Dati pag nanunuod tayo ng movie may chaperone tao at higit sa lahat group date yun.”  “Haha, Oo nga si daddy kasama natin.” “alam mo ba nung mga panahon na y un, gusto kong gawin toh.” Hinawakan nito ang kamay niya at inakbayan siya, “Yan habang nanunuod tayo ng movie, iniimagine ko lagi na ganto.” Nagblush naman siya, “e sana ginawa mo, natatawa nga ko nun kasi nasa isip ko anu ba tong si Lloydie wala man lang the moves.” Natawa sila pareho, “Naku kung alam mo lang na super gusto kong gawin sayo toh.” At hinug siya palapit sakanya, nakasanda ang mga ulo sa isa’tisa “Lets stay like this.” Tumango nalang si Sarah ewan niya ba feel niya lang na namiss niya ang mga yakap nito sakanya.

No comments:

Post a Comment