Friday, May 20, 2011

Love Will Keep Us TOGETHER 8

  • Airport



  • Maaga umalis ng bahay si Lloydie dahil my shooting siya. Late na natapus ang work niya 9:00pm naisipan niyang magtext sa asawa. “bebe ko, pauwi na ko sorry kung ngayon lang nakapagtext. Imissu mwahugs… oo na cheesy na ko haha… will be there after an hour.” Napangiti siya. Naisipan niyang dumaan sa flowershop, “ang tagal na ng last ko siya nabigyan ng bulalak, natutuwa siya sigurado dito. Dali dali siyang nagpark ng sasakyan sa gate nila. Nagtataka, sarado na ang ilaw? Ang aga naman natulog ng asawa ko, isipisip niya. Pagpasuk ng pinto dahandahan niyang inakyat ang kwarto nila., mas romantic pagkagising niya makikita niya toh ngiti niya sa naisip.

    Pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya na wala dun ang asawa, tiningnan sa toilet; sa kitchen; sa garden at sa altar wala siya. Kinakabahan sinubukan niyang tawagan ang telephone nito pero wala out of reach.

    Nagaalala at naisipan tawagan ang mga magulang nito pero hindi na niya natuloy ng my mapansin sa ibabaw ng cabinet kung saan nakapatung ang wedding picture nila, may sulat ito at ang wedding ring.

    Dahan dahan niyang itong binuksan at binasa.

    Lloydi,

    Siguro sa panahon na binabasa mo toh ay wala na ko, umalis ako hindi dahil sayo kung hindi para sa atin dalawa. Nasanay ka mabuhay magisa, pero dahil nandito ko hindi mo magawa ang mga dati mo ng ginagawa.

    Kung nagkulang man ako sayo, patawad sinubukan ko maging mabuting asawa kahit na wala kong alam sa gaanuong aspect.

    Alam mo ba yung secret na lagi mong tinatanung sakin, pero hindi ko sinasagot sasabihin ko na nung panahon na nagwish tayo sa meteor ang wish ko na sana ikaw din ang Last Love ko dahil ikaw at wala ng iba yung first Love ko. Pero sabi mo nga na kung hindi para sa iyo ang wish mo hindi magkakatotoo iyon. Eto na nga siguro ang panahon na nagising ako at tumigil na umasa pang mangyayari iyon.

    Kahit hindi mo man sabihin alam ko yung nangyari sa inyo ni Nicole, masakit sobrang sakit na ang asawa ko may kasamang iba. Kung hindi ko man nabigay ang best ko, ginawa ko naman yun na may kasamang pagmamahal pasensya na curves lang meron ako eh.

    Basta magingat ka lagi till we met again.

    Ikaw lang Special sa puso ko, pinapalaya na kita.

    Sarah

    Naibato ni Lloydie ang papel “bakit ngayon pa?, bakit pa toh nangyari?” wika niya habang umiiyak.

    Ring ring ring. “hello? Son-inlaw? Bakit ka napatawag?” tugon ni Mommy D na nagaalala sa boses nito.
    “mom iniwan na niya ako.” Sambit niya dito.

    Sa airport

    Now Boarding Flight SJ143 To Paris

    “alam ko magiging masaya kana na wala ako, patawad sa inyong lahat hindi man lang ako nakapagpaalam.” Sambit niya habang nakatanaw sa malayo.

    Back sa present

    Umiiyak na napaupo si Sarah bumalik lahat ng sakit ng makita niya ang dating asawa. Sabay nakitang umilaw ang kayang celphone kinuha ito at binasa, alam niyang darating ang araw na toh. Tiningnan ang dalawang anak at sinabing “mamemeet niyo na ang daddy niyo babies.”

    Hindi makatulog si Lloydie dahil sa tinext niya kay Sarah sinabi niya dito na pupunta siya sa bahay nito bukas at kakausapin siya tungkol sa mga anak nila.


    No comments:

    Post a Comment