Friday, May 20, 2011

Love Will Keep Us TOGETHER 16

  • Breakfast



  • Nasa room na si Sarah at iniisip parin ang napagusapan nila ni Lloydie, 4am na ng biglang magring ang celphone niya dalidali niya itong tiningnan kung sino. “Aba napatawag ang loko ah.” Bulong niya sa sarili. “Hello?” sagot niya sa phone “hi, sorry kung late na ko nakatawag matutulog kanaba?” “ah hindi pa naman, insomia ata.”pagsisinungaling niya dito.

     “Ah ganun ba.” “Oo, nasan kana nakauwi kanaba?” “Ah hindi pa” “Nasa shooting pa pala kayo, break mo hehe bakit ka napatawag?”tanung niya dito. “Wala na kakapackup lang namin.” “ha, E nasan ka naman ngayon umuwi kana kaya late na oh.”

    “Nasa tapat ng house niyo, tingin ka sa labas.” “Ha? Kanina ka pa dyan?” “Hindi naman siguro 3omins pala, hehehe” “gusto mo bumaba ako?” “Huwag na, usap nalang tayo sa phone mas oks pa yung ganto eh, sweet ka sakin haha.” “baliw at adik ka parin noh.” “Hindi na noh.”

    Natahimik si Sarah sa naging sagot ni Lloydie, awts yun ha hindi ko expected na masasaktan ako sa sagot niya. “hello? Sarah nandyan ka pa ba?” tanung ni Lloydie sa kabilang linya.

    “Oo nandito pa ko, anu nga pala yung request mo.” Seryosong tugon ni Sarah, “ah yun, naisip ko lang na I’ll sign the papers kung uuwi kayo na kasama ko sa bahay ngayong umaga for 2weeks.” Sinilip ni Sarah si Lloydie na nakaupo sa garter ng kalsada malapit sa car nito. Napaisip siya 2weeks with HIM? Naku kakayanin ko kaya.” Bulong niya sa sarili. “Anu Sarah? Payag ka naba? Madali lang oh for 2weeks makukuha mo agad yung papers na gusto mo.”

    Tahimik lang si Sarah aba ang mokong parang ako pa ang sabik na sabik na iannul ang kasal namin at may kasalanan ng lahat kaya naging ganto. “Excuse me, hindi ako atat na atat dyan sa pirma mo pero para matigil na ang lahat sige game ako dyan sa request mo.” Galit na sagot ni Sarah kay Lloydie. Si Lloydie naman ang natahimik “gusto niya talagang magkahiwalay na kami ng tuluyan, kung yun ang gusto niya pagbibigyan ko siya.” Wika niya sa sarili.

    “Ok, pumasuk kana dito sa loob at magpapack na ko ng mga gamit pagkagising ng pagkagising ng mga bata sasama na kami sayo basta ang usapan ay usapan.” Tungon ni Sarah sa katahimikan. “balik nalang ako after 4hours sunduin ko na kayo.” “okay sige bye.”

    Umalis muna si Lloydie para magalmusal sa isang restaurant. At pagtapus ay dumeretso muna sa condo unit niya para maligo at magpahinga ng sandali. Makalipas ang apat na oras si Sarah ay nakapagpaalam na sa mga magulang niya, pumayag naman ang mga ito hoping sila na magkaayos ang dalawa sa 2weeks na yun. “Sige anak, alam naman namin na hindi kayo papabayaan ni Lloydie.” “Thanks mom, don’t worry sa birthday ng mga bata nandito na ulet kami at dito tayo magpaparty.” “Naku anak kahit dun na sa bahay ni Lloydie okay lang samin, diba daddy” ngiti niya sa asawa.

    Maya maya ay may nagdoorbell na “Ay, baka si son in law na yan.” “Mommy?” “Oh bakit e diba magasawa pa kayo hindi pa kayo annul so son in law ko pa din siya.” Ngiti nito kay Sarah at sabay punta ng door.

    “Goodmorning mom!” masayang bati ni Lloydie sa mother in Law niya, bumeso siya at niyakap ito. Bumulong si mommy d kay Lloydie “sinabi na niya samin ang kahilingan mo daw, sigurado kanabang pipirmahan mo na?” at tiningnan ang mukha ni Lloydie ngumiti ito na my bitterness “Iyon po ang gusto ng anak niyo mommy eh, pagbibigyan ko nalang po at para makasama ko ang mga bata kahit 2weeks lang kaya ako nagrequest nito.” “You don’t have to explain son, naniniwala ko sayo o siya ready na sila puntahan nanatin sa kitchen.” Ngumiti ito at sinundan si mommy D.

    “Mga apo! Daddy’s here.” Tawag ni mommy sa mga bata.

    “Hello daddy! Is it real? We’re going to stay at your place for 2weeks?” tanung ng mga bata habang nakayakap sakanya.

    “Yes babies? You want it?”tanung ni Lloydie sa mga toh.

    “Yessssssssssss!!!!! Yahooooooooo! Daddy, Mommy, Miguel and I in ONE house. Gonna tell this to my friends back home yahoooooooooooo.” Talontalon na sigaw ni Arah.
    “Arah! Stop It.” Saway sakanya ni Miguel. Napatingin naman si Arah sa kakambal “why? You don’t want?” napatingin naman si Lloydie sa mga anak, aba mukhang ayaw nung isa na magkakasama kami ah nalungkot siya sa nakikita. “Ofcourse….” Sabay tingin kay Lloydie itong si Miguel na malungkot ang mukha. Naiiyak si Lloydie sa naging tugon ng anak niya. “Why baby?” Lapit niya kay Miguel. “because I DO LOVE IT DADDY!” sabay hug ni Miguel sa daddy niya.

    Nagulat si Sarah kay Miguel sa naging reaction nito kanina, naalala niya nung nasa Paris sila ay si Miguel itong tanung ng tanung about sa Daddy niya na kesyo anu itsura?, anung talent?, kamukha ba niya? Pero natawa siya sa huling sagot nito sa ama.

    “Lloydie, nagmana pala sayo tong anak mo oh magaling umarte haha.” Wika n ate shine. “OO nga e, nagulat ako…” binalingan ang anak at hinawakan sa ulo. “You little boy ha.”natatawa sa anak sa kalokohan. “Yes dad? I got it from you… best actor naba?” sabay tawa at tumawa nadin ang lahat.

    “O siya kain muna tayo then pwede na kayong umalis mahirap magutom sa daan.” Wika ni Daddy D ng tumahimik bigla. “Ha? Daddy dito lang din naman sa Q.C ang condo ni Lloydie diba? Bakit naman kami magugutom sa daan?” tugon ni Sarah sa Daddy D niya. Tumingin naman si Lloydie kay Sarah, “Hindi tayo sa condo pupunta dun tayo sa bahay magsstay.” Nagulat naman si Sarah, “Ha? Dun tayo sa bahay na kasama family mo?” tanung niya kay Lloydie. Umiling nalang si Lloydie bilang sagot at sumagot na “May bahay na ko sa Tagaytay, nakapunta na sila (pertaining sa Geronimo Family) kaya alam nilang malayo ang byahe. Natahimik nalang si Sarah at nagisip na tagaytay? Bakit dun pa? patay ang layo kanila mommy mukhang walang layasan sa bahay toh. Bulong niya sa sarili.

    Para naman nabasa ni Lloydie ang nasaisip ni Sarah “Don’t worry five rooms yung bahay pwede tayong magtagutaguan dun.” Sabay tawa nito na tinawanan din ng Geronimo Family. Nahiya naman bigla si Sarah sa sinabi ni Lloydie at inirapan ito.

    No comments:

    Post a Comment