Friday, May 20, 2011

Love Will Keep Us TOGETHER 3

HALLWAY



“hello po, kamusta po kayo” wika ni Sarah sa management ng Abs-cbn, naisipan niyang dalawin ang mga ito dahil napalapit na rin sakanya ang mga itoh, 5 years din niyang huli itong mga nakita, ngunit pumunta din siya para makibalita kung nasan ang dati niyang asawa tama dati, dahil para sakanya ay tapus na kung anung naging relasyon nilang dalawa. Nag papasalamat nalang siya at nagkaruon siya ng dalawang mabubuti at magagandang prince at prinsesa naalala niya ang mga araw na niloloko silang dalawa ng mga kasamahan sa Asap.

“Sarah, Sarah, Sarah uy tumingin ka naman sakin, huwag puro kay Lloydie ka lang nakaharap baka mamaya magpalit na mukha niyo dyan eh” biro ni vhong kay Sarah.

Na tinawanan ng mga taong na nasa dressing room nila. “bakit ba, e ang gwapo ng bebe ko eh, sabay hawak sa baba ni lloydie at sabay kindat diba bebe ko?diba?” na lalong naging dahilan ng malalakas na tawanan, si lloydie ay nahihiya, namumula at napasabing “ikaw naman, masyado kang inlove sakin umamin kana kasi.” Sabay tawa ng malakas.

“pero sa totoo lang, kung magkakatuluyan kayo tapus magkakaanak for sure ang gaganda at ang gwagwapo ng mga ito at higit sa lahat mababait kasi mabubuti ang mga magulang nila.” Sambit ni vhong. napatingin sila sa isa’t isa at napangiti sa nasabi ng kaibigan nila.

Wahhhhhhhhhhhhhh Sarah umayos ka! Tama na bring back the old memories!!! Bangongot ba ang tawag dun!... wika niya sa sarili ng biglang my nakabungo siya.


Si Lloydie naman, ay hindi mapakali naisipan niyang dumaan sa abs para kunin ang script niya para sa gagawin niyang bagung movie, tumawag siya sa office ng star cinema about sa script ang sabi ng mga ito ay nasa kanila na daw at ipapadala sakanyang tinitirahan. Pero ewan niya ba bakit parang gusto niya kunin ito mismo, sa paglalakad niya sa hallway ay naalala niya na sa dalawang taon nilang pagsasama ng kanyang asawa lagi siyang nakaalalay dito. Lalo na pag ito ay gagawa ng pelikula at may kapartner na iba, natawa siya ng maalala ang paguusap nila about sa kissing scene at love scene.

“ang daya daya mo! Bakit ganun pag ikaw okey lang na makipag love scene ka sa kahit kaninong babae na ipartner sayo, pero bakit ako hanggang kiss sa kamay pa din?” reklamo ni Sarah kay lloydie.

Natawa naman si Lloydie sa reklamo ng asawa, “ikaw naman, alam mo naman na seloso ko diba? Gusto ko ako lang makakagawa nito (kiss sa nuo) natawa si Sarah “anu ako aso?” nito (kiss sa mata) eto pa (kiss sa ilong) sabay hawak sa baba ni Sarah at sambit na gusto ko ako lang ang gagawa niyan sayo kahit tumanda na tayo at magkaruon ng mga apo.” Napanguso si Sarah sa naging sagot ng kanyang asawa “basta, dapat ikaw…. Tsuppppp” hindi na natuloy ni Sarah ang sasabihin dahil busy na siya sa mga labi ng asawa niya. “hay naku, tama ako lang dapat kasi nakakaaddict ang mga halik mo, baka mamaya may maging addict pa sakin BAWAL YUN. Kinindatan ang asawa at hinalikan ulet.

Napangiti si lloydie sa naisip ng biglang my nakabungo at napatitig siya sa mga labi nito at napasmile “namiss kita” sambit niya sa kanyang sarili sabay kagat ng kanyang labi.

No comments:

Post a Comment