Tuesday, May 24, 2011

Love Will Keep Us TOGETHER 29

  • Sweet


Part 29

Nakabalik na ng room si Arah at nagpaalam na din sila mommy d sakanila, pinasama na nila si manang Rose para makapagpahinga ito, bukas ay babalik ang mga ito.

Nasa couch si Lloydie at nagpapahinga dahil nga nakainom ito kanina sumakit ang ulo dahil sa mga pangyayari uminom siya ng gamot. Mag reresume na ang kanilang shooting after ng birthday niya kaya naisipan niyang basahin ang kanyang script si Sarah naman ay nakaupo malapit sa bed ng mga bata. Alas otso na ng gabi, tumayo si Sarah at binigyan ng unan si Lloydie para humiga ito sa nagthank you naman si Lloydie pero deretso parin sa pagbabasa ito at pag memorise ng lines nito.

“Nagugutom na ko.” Biglang nasabi ni Lloydie, tumayo nanaman si Sarah at kumuha ng pagkain at binigay kay Lloydie, “Tinatamad ako kumain pagud na ko.” “O upo ka ng maayos subuan kita.” Natatawa na si Lloydie sa mga pangyayari pero sumunod nalang siya ayaw niyang maspoil ang moment na toh, sasakyan nalang niya. Patuloy pa din siyang sinusubuan ni Sarah ng pagkain. Nang matapus tumayo na ulet si Sarah at hinugasan ang pingan, pinakain na din ang kambal, 11pm na ng magsalita ulet si Lloydie.

“Sakit ng ulo ko.” Minamassage niya ang ulo niya, tumayo ulet si Sarah at lumapit dito “Gusto mo ako magmassahe sayo?” “Okay lang ba sayo?” “Oo naman halika higa ka dito sa lap ko.” Sumunod naman si Lloydie, natatawa na siya talaga pumikit nalang siya habang minamasahe ni Sarah ang ulo niya. “Ang baho ko na amoy pawis na ko.” “Oo nga amoy alak ka pa.” “Sige maligo muna ko.” Tumango nalang si Sarah, “Hindi mo ba ko sasamahan?” pilyong ngiti ni Lloydie dito.  Binato naman ng throw pillow ni Sarah si Lloydie “Ewan ko sayo!”

Pag labas ni Lloydie ng toilet akala niya ay wala na si Sarah sa couch pero nakaupo pa din ito at binabasa yung script niya, tumingala ito at ngumiti sakanya “Ang ganda pala ng story ng ginagawa mong movie ngayon, galing talaga nila direk.” “Oo naman si direk pa gusto nun syempre yung the best.” Umupo na ulet siya sa tabi ni Sarah. “Saan naba yung ishoshoot niyo? Gusto mo tulungan kita sa pagmemorise?” “Sure ka? Sige2 wait ito. Ako si John at ikaw si Sarah.” “haha natawa nga ko kasi talagang John at Sarah yung main casts.” “syempre baldik yun si direk.” Natawa sila pareho. “O game na?” pagtatanung ni Lloydie. “Wala kang script ako lang naman ang magsasalita, just go with the flow.” Excited si Sarah kasi namiss niya ang gantong life niya. “Okay.” “Just look at me.” Tumango si Sarah.

Nakaupo sila pareho nakatungo si Lloydie, hinawakan ang kamay ni Sarah “Alam kong matagal ng tayo ay nagkahiwalay, madami akong naging kasalanan na nagawa, pero natutunan ko lahat ng mali ko na itama. Nasaktan kita ng sobra, pero nandito ko para istart kung anu man ang natigil, hindi parin ito tumigil.” Naiiyak si Sarah sa mga salita ni Lloydie, hindi niya alam naiiyak nalang siya. Tumingin si Lloydie kay Sarah tinaas ang kamay nito at tinapat sakanyang dibdib. “Hanggang ngayon ikaw lang tinitibok nito, ikaw lang wala ng iba dumaan man ang iba sa buhay ko, pero iba padin pag ikaw na ang kasama ko.” Pinunasan ang mga luha ni Sarah siya din ay umiiyak na, hinawakan ang dalawang pisngi at unti unting lumapat ang mga labi, naghalikan sila ng naghalikan.

tbc

No comments:

Post a Comment