Friday, May 20, 2011

Love Will Keep Us TOGETHER 6

  • Jealous



  • “anu tong nachichismis na may gusto daw sayo si nicole? Na nililigawan mo daw siya? Umamin ka? Anu totoo ba yung mga sinasabi sa dyaryo? Bakit hindi ka makasalita anu? Umamin ka?” sigaw niya sa kanyang asawa.

    “bebe ko paanu ba naman ako makakasalita niya eh sigaw ka ng sigaw, umupo ka muna pagusapan natin toh baka manganak ka ng walang sa oras nyan e kambal pa yang dinadala mo.” Sagot niya, hindi ito umimik pero sumunod ito at umupo hinihintay na ipagpatuloy niya. “ok, ok, ok… bebe ko wala ka bang tiwala sakin pag sinasabi kong ikaw lang ang number one? Walang number two or kahit anu pang number yan. Basta para sakin ikaw ang pinakamaganda, mabait, mapagmahal at???.” “At anu? Mataba? Hindi naba ko sexy ha? Ikaw kasi binuntis mo pa ko.” Tantrums ng asawa na naging dahilan ng pagtawa niya. “ikaw talaga halika nga tabi ka sakin, ikaw ang pinakasexy para sakin dala mo ata ang bunga ng pagmamahalan natin.” Sabay halik sa tyan ng asawa tapus sa mga labi nito. Dahil sa sinabi ng asawa ay napanatag ang kanyang pagiisip, may tiwala siya sa asawa alam niyang hindi siya kayang saktan nito.

    Isang gabi, “bebe ko?” yes? Sagot ni Sarah Ilove you ikaw lang at wala ng iba. Napangiti naman si Sarah, si Lloydie hindi niya alam kung paanu magoopen up sa asawa niya its been 6mos nung last na nagmake love sila, gusto niya itong kausapin na kahit isang gabi lang. nagbigay siya ng pahiwatig hinalikan niya ito sa mga labi nito at tumugon naman ang asawa. Nasiyahan siya sa naging response ng asawa so nagnext level na siya hinalikan niya ito sa tenga at napasabi na “I really want you now” sabay tingin sa mga mata ng asawa. Ngunit nagtaka siya sa naging reaction nito, tinulak siya palayo at sinabing ishower na lang niya ang nararamdaman at buntis daw siya kung anung pinagiisip pang gawin. Inis na tumayo si lloydie at padabog na sinara ang door sa toilet, napabuntong hininga nalamang at nasabi ay shower best friend naba kita ngayon?.

    Guilty pero natatakot siya baka masaktan ang mga anak niya, kahit gusto niyang gawin ngunit hanggat maari ayaw niyang masaktan ang mga bata. “bebe ko, sorry kung alam mo lang natatakot lang kasi ko baka masaktan sila.” Sambit niya sa sarili.

    Makalipas ang ilang linggo lalong umosbong ang usapusapan tungkol kanila John Lloyd at Nicole, pero binaliwala na niya lang ito dahil my tiwala siya sa asawa niya. Pero isang gabi hindi siya makatulog hindi pa umuuwi ang asawa niya, alam niya ay three days lang ito nakasked mag overnight sa isang isolated na lugar pero bakit ngayon hindi pa siya umuuwi?, baka naextend lang ang shooting, nakatulog na siya kakahintay ngunit wala parin ito nagaalala na siya ng sobra naisipan niyang tawagan ito sa kanyang telephone. Ring lang ng ring and celphone nito nagibaba na niya ay nagulat siya na babae ang sumagot nito. “hello sino toh? Sarah? Ahh natutulog pa si lloydie e bakit?” natigilan si Sarah hindi alam ang gagawin, hindi niya kaya ang mga nangyayari, napatigil siya at napadasal na magising na siya kung bangongot man ang nangyayari. Nagulat siya sa sumunod na narinig niya “lloydie? Ok ka paba kaya mo pa? anu isang round pa? sigurado kaba? Parang ang tagal na ng last mo ha masyado kang sabik sakin, hello sarah? Nandyan ka pa? maya nalang kita kausapin ha may gagawin pa kami ni Lloydie eh. Sige bye.” At binura nito ang received call ni Sarah sa celphone nito. Hindi alam ni Sarah kung anung gagawin gusto niyang sumigaw at itanung kung nasan sila susunduin niya si lloydie pero wala walang lumalabas sa kanyang boses, bigla nalang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata kasabay ng pag buhos ng ulan sa lugar nila napatingin siya sa langit at nasambit na pati ang langit nakikiiyak sa akin sa pinangarap ko na bigla nalang mawalawala. Buong gabi siya umiiyak, at nakatulog namamaga ang mga mata pero kailangan niya maging matatag para sa kanyang dalawang anak.


    Umaga na ng magising siya masakit ang ulo at nagtataka kung nasan lugar siya, napatingin sa paligid, nagulat na wala siyang damit at kasama si nicole na wala ring suot. Ginising niya ito at tinanung kung anung nangyari, “pinaligaya lang kita diba gusto mong pumunta ng langit? Buti nalang ready ako dami ko condoms dyan lover boy.” Sambit ni nicole sakanya. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya, dali dali siyang nagbihis at tumingin sa babae at sinabi na kung anu man ang nangyari sakanilang dalawa na yun. Ang naalala niya lang ay nasa isang pub sila kasama ang mga barkada ng dumating si nicole kasama ang iba pang babae, hanggat sa nagopen up na siya kay anne tungkol sa problema niya sa pagsasama nila ni Sarah, “alam mo perfect na lahat e, pero bakit ganun alam mo lalake din naman ako may pangangailangan din pero hindi niya ko mapagbigyan.” Kwento niya dito. “naku ok lang yan sige uminom ka lang ng uminom dyan, ihahatid kita sa bahay niyo pag hindi mo na kaya, pakasaya ka muna patingin ng kamay mo tanggalin ko yang ring sa kamay mo ilagay ko sa pocket mo, isipin mo single ka at magpakaligaya ka minsan lang toh.” Napaisip siya na tama nga ang kaibigan, kaya todo inum siya lingit sa kaalamanan niya ay may binabalak sakanya ang babae. Hanggat sa hindi na siya makatayo sa pagkalasing, dinala siya nito sa condo ng babae at dun na nga ang nangyari.

    Hindi niya alam kung paanu haharapin ang asawa, “lord help me at patawarin niyo po ako sa nagawa kong kasalanan sa asawa ko po.”


    Pag bukas niya ng pinto ng bahay nila ay nagulat siya sa nakita.

    No comments:

    Post a Comment