Friday, May 20, 2011

Love Will Keep Us TOGETHER 9

  • Goodnight



  • Sa bahay ng Geronimo, “Good Morning babies.” Sambit niya sa mga anak. Niyakap siya ng mga ito at hinalikan.

    “Good morning din mommy and we love you, right Miguel?” tanung ni Arah sa kakambal at sumagot naman ito ng “OO naman ako ang Prince ni mommy eh” ngiti ng mga anak niya sakanya, niyakap niya ang mga toh at pinaupo sa tabi niya.

    “Naalala niyo ang kwento ni mommy sa inyo? About your daddy?”

    “Yes mommy na mahal na mahal mo si daddy kaso wala na siya iniwan na niya tayo.”

    Naiiyak siya pero sinagot ang anak “Sorry babies kung nagsinungaling si mommy.” Naguguluhan sa sinabi ng ina at tinanung nila ito ulet “what do you mean mom?” tanung nilang pareho sa ina.
    “kunin niyo yung box na yun dun sa maleta natin.” Dali dali naman sinunod ng kambal ito. Nilabas niya ang mga picture niya kasama si Lloydie, “siya ang daddy niyo, hindi totoong patay na siya nandito siya sa pilipinas”salaysay niya sa mga ito. “pupunta siya dito para ipakilala ko sa inyo.” Umiiyak dahil sa naging reaction ng mga anak hindi niya alam kung galit ang mga ito, nakatingin lang ito sakanya ng biglang my kumatok. “Maam, si sir John Lloyd po nasa baba hinahanap po kayo.”

    Nang marining ng dalawang bata tumakbo ito palabas at sumigaw ng daddy habang umiiyak, hindi alam ni Sarah ang mararamdaman sinundan niya ang mga ito. Pag baba niya nakita niya ang mga anak nito na nakayakap dito at umiiyak “Daddy mahal ka naming, daddy bakit ngayon ka lang dumating? Daddddy.” Naiiyak sa mga pangyayari matagal niya ng gustong makita eto na kasama ang mga anak nila. Ang mga magulang naman niya ay nakatingin sa magaama at naiiyak din sa nakitang eksena.

    “Mga anak ko, Don’t worry daddy’s here na hindi ko kayo iiwan so huwag na kayong umiyak tayo na upo tayo sa living room.” Sabi ni Lloydie habang naiiyak din, ang tagal niyang hinintay ang pagkakataon na eto, na tawagan siyang daddy ng mga anak niya. Tumayo siya at napatingin kay Sarah na umiiyak din. Lumakad ang dalawang bata at dinaanan lang si Sarah na para bang hindi siya nakita ng mga ito. Lalo siyang naiyak pero pinigilan niya itong ipakita, mamaya niya ito ilalabas pag nakauwi na ang lalakeng ito. Pero kahit itagu niya naiisip niya na galit ang mga anak niya sakanya e parang mamatay siya ng wala sa oras.

    Sinundan ng tingin ang mga bata napayuko nalang siya, buong mag hapon ay nagkulong siya sa kwarto wala siyang ganang kumain at dun siya nagiiyak. Nakatulog na siya at hindi namalayan, nagising lang siya ng my kumatok sa kwarto niya, binuksan niya ang pinto at nakita ang mga anak na nakabihis na para matulog tumingin ito sa kanya at sinabing “goodnight mom.” Pumasuk ang mga ito kasama si Lloydie “daddy dito ka muna matulog sa tabi naming, at naglagay naman ng space ang dalawang bata. Nagulat siya sa nakita na para bang siya ang nawalan ng pwesto sa higaan. Lumabas nalang siya ng kwarto at tumuloy sa swing ng garden nila sa bahay, umiiyak habang nakataas ang paa nagmumukmuk sa isang tabi “Bakit ka pa dumating? Bakit kung kelan ayos na ang lahat.” Sabi niya sa sarili. Hindi niya napansin na nasabi niya pala ito ng malakas kaya nagulat siya ng may tumabi sakanya.

    “O anung ginagawa mo dito? Alis kana dahil sayo…” hindi niya na natuloy ang sinasabi niya dahil napaiyak nalang siya.

    “Bakit anung nangyayari sayo?wag ka ng umiyak dyan. Mahal ka ng mga bata.”
    Tiningnan niya si Lloydie sa sinabi nito.

    “Alam mo ba sa buong araw naming magkakasama walang minuto na hindi ka naalala ng mga bata, you did a great job sa pagpapalaki sa kanila.” Wika ni Johnlloyd habang nakatingin ito sa pader.

    “Hindi na nila ko mahal kasi dumating kana.” As she pouted her lips.
    Napatingin naman si Lloydie kay Sarah at natawa, “Huwag mong sabihin nagseselos ka sakin?” “OO na nagseselos na ko, datidati pag matutulog sila lagi nila ko binibigyan ng power hug at power kiss para matanggal ang pagod ko pero ngayon kahit hug wala.” Iyak niya kay Lloydie.

    Hindi alam ni Lloydie kung anung magiging reaction sa sinabi ng asawa. “Hindi ka parin pala nagbabagu, nagtatampo ka pa rin paghindi ka binibigyan ng hug at kiss bagu matulog.” Natawa siya at lalo nainis si Sarah, ang samasama mo tatawa ka pa dyan umiiyak na nga ko dito sigaw niya ditto.

    Tumayo ito at naglakad papunta sa unahan ni Sarah, hinawakan niya ang mga kamay at itinayo sa kinauupuan nito. Nagtataka naman si Sarah sa ginawa nito “Bakit?”. Hawak pa din ang kamay pinalibot nito ang mga kamay sakanyang bewang at niyakap niya ito. Natulala si Sarah sa mga pangyayari “kung itatanung mo ako kung bakit ko toh ginagawa, please huwag na kasi ako mismo hindi ko alam kung anung isasagot ko.” Tiningnan siya nito sa mga mata at yun na naglapat ang kanilang mga labi. Napapikit naman si Sarah sa nangyari, pag katapus ay dalidali itong lumabas ng bahay nila. At naiwan si Sarah na hawak ang kanyang mga labi?

    No comments:

    Post a Comment