- Out of REACH
Bukas ay birthday na ng mga anak niya at ni Lloydie, si Sarah ay nasa room niya ilang days na siyang nagmumukmok sa kwarto mga magulang niya at mga kapatid ay nagaalala na, pero alam nilang kaya nito ito handa silang makinig kung anu man ang kanyang iniisip kaso ito ay tahimik lang. Pag nakikita ang kambal, bigla nalang nito ihuhug ang mga ito at umiiyak. Naiintidihan naman nila mommy d kung saan nang gagaling ang mga luhang yun.
“Maaaaaaammmmmmmmm!” tawag ni manang Rose, binuksan naman ni Sarah ang pinto, “bakit manang?”hinihingal ito at naiiyak, “Yung kambal po, yung kambal.” Hindi maexplain maayos ni Manang Rose ang sinasabi, “Ha? Anung nangyari?” tumakbo si Sarah sa baba, nakita niya ang dalawang bata na sinasakay na sa car, “Mommy, daddy anung nangyari?” sumakay na din siya sa car at hinug ang dalawang bata, duguan ang mga toh, naiiyak siya hindi niya alam kung anung nangyayari.
“Anak, yang dalawang bata kasi tumakbo sa labas nakita daw nila ang car ng daddy nila.”pagkwekwento ni mommy d, nakikinig siya ng mabuti “pero pag labas nila ay nakaalis na ang car nito hinabol nila, hanggang makaabot sila dun sa kanto sakto naman na may car na magturn, si Miguel tinulak si Arah kaya siya ang natamaan si Arah yan nauntog sa pagkakatulak ni Miguel. Naiiyak na siya hindi niya alam ang gagawin niya niyakap niya ang mga anak niya at nagsosorry siya at hindi niya na bantayan ang mga ito, “Lord please help us!” iyak ng iyak siya, ang dalawang bata ay minulat ang mga mata “Mommy, sorry don’t cry na.” Lalo siyang naiyak “Babies, don’t talk na rest oryt malapit na tayo sa hospital.”
Pag dating sa hospital sa emergency room, “mommy ikaw muna po bahala dito.”
Hindi alam ni Sarah kung saan siya pupunta, tiantawagan niya si Lloydie kaso out of reach ito, pumunta siya sa condo nito kinatok niya ng kinatok ang door kaso walang sumasagot. Pagud na pagud na siya umupo nalang siya sa may pintuan nito, natatakot siya sa mga nangyayari.
Si Lloydie naman ay galing sa isang bar, nakainum na siya kanina ay pumunta siya sa bahay ni Sarah pero hindi siya kumatok dahil natatakot siyang mareject nanaman. Napatingin siya sa hallway napakunot ang noo niya, “O anung ginagawa mo dito? Sasaktan mo nanaman ba ko? Iiwan mo nanaman ako kung kelan sobrang inlove ako sayo, sinasayang mo lang pagmamahal ko sayo, umalis kana dito.” Wika ni Lloydie kay Sarah.
No comments:
Post a Comment