Friday, May 20, 2011

Love Will Keep Us TOGETHER 2


Nanatiling nakatayo si John Lloyd tinitingnan si Sarah, “bakit ganito, nung umalis siya galit na galit ako bakit ngayon, iba iba parin.” Sabi niya sa sarili niya.

Akmang lalapitan na niya si Sarah ng mapatitig siya sa dalawang batang kasama nito. Eto na siguro ang mga anak naming, ang lalake ang tindig at pangangatawan ay kuhang kuha sa akin pero ang kahawig nito ay si Sarah, ganun din ang batang babae na napaisip siya na yun na pala ang una nilang paguusap ng bata kanina, hawig na hawig niya ang batang babae. Natawa siya ng makitang ang babae na makulit at sayaw ng sayaw, ikot ng ikot ito sa lugar pero ang lalake ay nakatayo lang at nakhawak sa kamay ni Sarah. Si Sarah ang ganda niya pa din, ang seksi pero iniwan niya ko, bakit?

Lalapit na siya para ito ay kausapin ngunit natakot siya, natatakot siyang baka hindi na ulet niya makita ang mga ito. Hangga’t sa nakaalis na ang mga ito wala siyang nagawa. Napatitig nalamang siya sa exit ng store at umuwi sa kanyang condo na ang iniisip ay ang kanyang magiina, paanu niya haharapin ang mga ito. Handa na ba siya?

“Mommy, we’re home!” tawag ni Sarah kanila mommy Divine. Dali dali naman lumabas ang Geronimo family at sinalubong si Sarah at kanilang mga apo.
“anak, buti naman at umuwi kayo hindi man lang kayo nagpasabi na babalik na pala kayo dito.” Wika ni mommy d na busy sa kanyang mga apo. “Ay naku mommy, kung hindi lang dahil gusto niyong dito magbirthday tong mga apo niyo, hindi na ko babalik dito, alam niyo naman pong mahirap sakin magstay dito.” Sabi niya sa mga ito. “alam ko anak, pero salamat parin at nakinig ka sakin na iumuwi mo ang mga bata dito, gaanu nga pala kayo katagal ng mga bata dito? Tanung ng ina sa kanya. “mommy siguro one month lang po, para naman po makasama ko din kayo ng matagal, maenjoy niyo ang mga bata at may aasikasuhin po ko na dapat matagal ko na ginawa pa, dala ko na ang papers ipapasign ko nalang po sakanya tapus uuwi na din kami sa Paris ng mga bata .” ani niya.

Habang nanunuod ng tv patrol ang buong pamilya, nagulat sila Sarah sa headline ng showbiz news ngayon. “Sarah Geronimo, nakita sa Ninoy Aquino International Airport kanina may kasamang dalawang bata, isang babae at lalake. Anu kaya ang magiging reaction ng asawa nito na si Johnlloyd Cruz.”

“hala, ang bilis ng balita hindi ko toh inaasahan.” Wika niya sa sarili niya.

Habang nasa bahay hawak ang remote at pinatay ang television, ang bilis ng pangyayari, handa naba ko harapin sila? Basta my karapatan ako sa mga anak ko, kung anu man ang mangyari ipaglalaban ko sila kahit pa masaktan siya, nasaktan din naman ako ng inawan niya ko ng basta basta lang.


“Magkikita tayo sa court Sarah” batid ni Johnlloyd sa sarili. 

No comments:

Post a Comment