Sunday, May 22, 2011

Love Will Keep Us TOGETHER 26

Full of LOVE

Pumunta na si Sarah sa sala nagtataka siya at wala dun si Lloydie, pupunta na sana siya ng kitchen na nakita niya itong pababa ng hagdanan. Aba nagshower din pala tong mokong na toh, infairness ang seksi na niya ngayon ha kahit walang muscle ang gwapo niya sa black sando at white shorts na suot niya, wet look pa ang hair. Lumilipad ang isip ni Sarah ng lumapit si Lloydie, “So lets start, dun tayo sa couch.”
Lumakad na toh papunta ng sala sumunod naman si sarah.

“Anu ba paguusapan natin.” Sabay upo ni Sarah. Magkatabi sila “Simple lang, about sa papers na toh.” Tiningnan ni Sarah at kumaha ito ng ballpen pinirmahan. “Ayan may pirma na ko, happy kana? Para wala na tayong problem, pareho nanaman tayong ikakasal eh.” Nagulat si Sarah hindi niya akalain na makukuha niya agad ito. Nagoffer ng shake hands si Lloydie at sinabing “Congrats Ms. Geronimo.” Kinuha niya ang kamay nito at nakipagshakehands.

“Oo nga pala, sino ang papakasalan mo? Gusto ko lang malaman kung sino ang bagung magiging daddy ng mga anak ko. At tomorrow ipapakilala ko sakanila si Nicole, after nun sa birthday ko yun ang target day ng kasal ko kaya pinirmahan ko na din yan.” Nakikinig lang si Sarah, ang bilis naman ng pangyayari kakapirma lang nito sa annulment paper yung kasal na agad niya ang iniisip. “Ah ganun ba, si Mark yung guy na naghelp samin sa Paris for almost 5years, sa kasal mo pala hindi na kami makakapunta kasi birthday din ng mga bata yun diba, dapat dito namin icelebrate pero sa bahay nalang ni Mommy para hindi ka namin maistorbo.”nakatungong tugon ni Sarah.

“Ah you can use this house sa party, kasi tong bahay sa name mo toh nakapangalan eto yung titulo ng land and house. Pinagawa ko toh na ikaw ang iniisip na tumira kaya sayo ko pinangalan toh.” Sabay tayo ni lloydie. Si Sarah ay nakatingin lang kay lloydie habang naglalakad ito palayo. Napatingin siya sa paligid, sakin pala tong bahay na toh ang dream house ko. “Wait John Lloyd!” tawag niya kay Lloydie, tumingin naman si Lloydie sakanya. “Bakit?” tanung nito sakanya, ngumiti naman si Sarah “Thank you, pero paanu saan kayo titira ng mapapangasawa mo?” “sa condo muna niya kami tsaka na kami magpapagawa kung ready na kami.” Sagot ni Lloydie “Pero may 9 days pa bagu ang birthday ko, dito muna ko magstay para makasama ko ang mga bata. Gawin niyo tong bahay bakasyunan paguuwi kayo ng mga bata galing Paris.” Lumapit naman si Sarah kay Lloydie at niyakap siya.

Yumakap ng mahigpit si Lloydie at umakyat na din ng kwarto niya. Dun tumulo ang mga luha na kanina pang gustong tumulo pinipigilan lang niya, wala na talaga need na magmove on pero atleast sa 9days na natitira susulitin ko na hindi niya maimagine na magpapakasal na tong si Sarah after ng annulment nila nalungkot siya lalo sa naisip.

After 5days ng paguusap nila, naging maganda naman ang relationship nila sa isa’tisa lagi silang magkakasama ng mga bata, kumakain sa labas nanunuod ng movie at shopping.

“Thanks sa magandang pagpapalaki sakanila ha.” Nasa veranda silang dalawa, kaka lagay lang nila sa mga bata sa bed nakatulog ang mga toh sa dami ng pinuntahan nila. “Wala yun, thank you din at sa ilang days natin magkakasama ay naparamdam mo sakanila na meron silang daddy.” Lumapit naman si Lloydie at hinawakan ang mga kamay nito, lumapit pa ng lumapit hanggang mahalikan na ni Lloydie ang mga labi ni Sarah, hindi naman siya tumutol namiss din niya ang mga halik nito. “Just this night please.”Bulong ni Lloydie sakanya, tumango naman siya at pumasuk sila sa kwarto nito na naghahalikan parin.

----edited


Pag kagising ni Lloydie ay kinapa niya ang katabi, pero wala na ito sa bed. “Baka nasa room na niya.” Natulog ulet siya, mahal parin siya nito kaya itatama niya ang lahat.

Hapon na ng magising siya, pumunta sa shower at naligo, dumeretso sa kwarto ni Sarah para kausapin sa nangyari kagabi ngunit wala na ito sa room nakakita siya ng letter, “Anu ba toh letter nanaman?” Kinuha ang letter at binasa, “Umuwi muna kami ng mga bata kanila mommy, dun na din magcelebrate ng birthday ang mga ito. Congrats sa kasal mo.” Ganun na lang yun, akala pa naman niya ay ok na ang lahat.

“Mommy dito na kami, mamiss ko po kayo dito na ako magpapaparty para sa kanila.” “O bakit nandito na kayo.” “Mommy papakasal na yung tao so mas maganda yung ganito, nakasama nanaman niya ang mga bata ng matagal.” Tumango nalang si Mommy D.

No comments:

Post a Comment