Friday, May 20, 2011

Love Will Keep Us TOGETHER 15

  •  Almost



  • Napaupo si Sarah sa chair, si Lloydie naman ay nakatingin lang sakanya ng mapansin niyang titingin na toh sakanya, siya naman ang umiwas ng tingin. “Kahit kailan si Direk lagi tayong iniiwan sa tent katulad ngayon.” Wika ni Sarah. Napatingin naman si Lloydie sa sinabi nito, “alam mo naman si Direk, mahal lang talaga niya ang teamup natin” ngiti niya kay Sarah.

    “Tama, wala pa din pinagbagu baldik parin satin.” Tawa ni Sarah. Masaya lang na nakatingin si Lloydie dito. “Oo nga pala, almost 3weeks na lang kami dito yung tungkol sa hinihingi kong pirma kelan mo ibigay sakin?” tanung ni Sarah kay Lloydie. Naging seryoso naman bigla si Lloydie. “Pinagisipan ko sa 3 days nating hindi pagkikita, may isa akong kondisyon bagu ko toh pirmahan.” Nakikinig naman si Sarah sa sinasabi ni Lloydie. “Ok game ako dyan, anu ba yung gusto mo.” Tiningnan lang siya ni Lloydie sa naging sagot niya at sumagot ng “I’ll let you know later pag kahatid ko sainyo ng mga bata, tara sundan nanatin si Direk.” At nauna na ngang lumabas si Lloydie sa tent. “Anu problema nun ang sungit.” Bulong ni Sarah sa sarili.

    Paglabas ni Sarah ay nabungo niya si Lloydie, “Aw!” na out of balance siya buti nalang ay nasalo siya ni Lloydie. Napapikit siya akala niya ay babagsak siya, pagmulat niya ng mata niya ay nakita niya ng malapitan ang mga mata ni Lloydie napatitig silang dalawa no word came out, inch by inch its getting closer napapikit si Sarah at hinihintay na may dumampi sakanyang labi si Lloydie naman ay nakatingin sa mga labi ni Sarah palapit na ng palapit ang kanyang labi nakita niyang pumikit si Sarah, natuwa naman siya sa naging response ni Sarah malapit na.

    “Daddy! Mommy! I thought you want it private?” sigaw ng dalawang bata. Natauhan naman si Sarah at Lloydie napatingin sila sa dalawang anak. “Ah eh si mommy mo kasi ikiss ko daw siya.” Tawa ng malakas si Lloydie, tinulak naman siya ni Sarah at sinabing “Ikaw talaga.” hampas niya sa mga braso nito, nahihiya siyang tumingin sa mga taong nakatingin kaya naisipan na umuwi na. “Mga babies, lets go home na busy sila nagwowork pasyal nalang tayo ulet.” Pagiiba niya ng topic dito. “naku mommy ganun ba sige.” Sagot ng dalawang bata.

    “Daddy, we’re leaving na see you tom go to mommy’s house oryt.” Paalam ng dalawang bata sa kanilang daddy at humalik dito. “Lola tita, bye2 see you soon.” Kay Direk naman nagpaalam ang mata ito pagkatapus. “Sige Direk alis na po kami.” “Bye Sarah ingat kayo.” Tugon ni Direk sakanya, tumingin naman siya kay Lloydie “Just let me know what it is, Okay.” Tumango naman si Lloydie sakanya.

    On the way sila ng mga bata, “Mommy, you know they taught us how to do sundance they said you and daddy used to do, look” sabay tayo naman ng dalawang bata at nagsundance natatawa siya sa mga anak niya naalala niya ang sayaw na yun well sino ba naman makakalimut nun. Naalala niya ang sinabi ni Lloydie, anu kaya yung gusto niyang mangyari bagu niya pirmahan ang papers.

    No comments:

    Post a Comment